^

Bansa

Reps. na sabit sa pork barrel scam: Huwag agad husgahan - SB

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umapela si House Speaker Feliciano Belmonte sa publiko na huwag agad husgahan ang mga kongresista na nasasabit ang pangalan sa pork barrel scam, sa halip ay pakinggan ang panig ng mga ito.

Sinabi ni Belmonte, hindi lahat ng sangkot sa natu­rang eskandalo ay ‘guilty’ kung saan inihalimbawa nito ang isang kongresista na nagpaliwanag sa kanya na peke ang pirma nito sa ilang transaksyon na nagresulta sa pagbibigay ng pondo sa ilang Non Government Organization (NGO).

Bagamat hindi nito pinangalanan ang kongresista, nilinaw ni Belmonte na nagpakita ito ng mga dokumento na nagpapatunay na napeke ang kanyang lagda.

Para  naman kay  Western Samar Rep. Mel Senen Sarmiento, may karapatan din silang mga kongresista sa ‘due process’.

Matatandaan na isa sa mga nadadawit sa pork barrel scam ay ang stalwart din ng LP na si House Appropriations Committee chairman Isidro Ungab subalit dinipensa nito na may sapat siyang ebidensiya na magpapatunay na nailagay sa tamang proyekto ang kanyang pork barrel.

vuukle comment

BAGAMAT

BELMONTE

HOUSE APPROPRIATIONS COMMITTEE

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE

ISIDRO UNGAB

MATATANDAAN

MEL SENEN SARMIENTO

NON GOVERNMENT ORGANIZATION

WESTERN SAMAR REP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with