^

Bansa

CA, DOJ nabulabog sa bomb threat

Ludy Bermudo, Doris Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binalot ng tensiyon ang Court of Appeals (CA) at Department of Justice (DOJ) matapos makatanggap ng tawag at text na pasasabugin ang dalawang tanggapan ng mga nakatanim na bomba sa Ermita, Maynila kahapon.

Unang naganap ang pananakot dakong alas 9:00 ng umaga, kung saan kinumpirma ng security personnel ng CA na si Ricky Regala ang tawag na natanggap ng guwardiyang si Edwin Gonzales mula sa di nagpakilalang babae na may bombang sasabog sa main building ng CA kaya dapat palabasin ang mga empleyado.

Ipinabatid ito kaagad kay CA Justice Remedios Salazar Fernando kaya pinalabas ang mga empleyado at itinawag sa Manila Police District-Explosive and Ordnance Division.

Halos isang oras na hinalughog ang gusali na nag-negatibo sa anumang pampasabog, batay sa team leader na si SPO3 Modesto Pagara ng EOD.

Pinabalik na ang lahat ng kawani ng CA dakong10:40 ng umaga.

Nagtataka ang mga mahistrado kung bakit may bomb threat gayung wala naman umanong pagdinig na isinasagawa kahapon.

Hindi pa nagtatagal ang tensiyon, dakong alas 12:00 ng tanghali nang lumipat naman ang tensiyon sa tanggapan ng DOJ sa P. Faura st., katabi lamang ng CA, matapos makatanggap umano ng text message ang DOJ prosecutor na si Benito Sales na nagsasabing may sasabog sa ika-2 palapag ng gusali.

Isinagawa din ng EOD ang paghalughog at wala ring nakitang anumang bomba sa loob ng DOJ buil­dings kaya muling pinabalik ang mga empleyado.

vuukle comment

BENITO SALES

BINALOT

COURT OF APPEALS

DEPARTMENT OF JUSTICE

EDWIN GONZALES

JUSTICE REMEDIOS SALAZAR FERNANDO

MANILA POLICE DISTRICT-EXPLOSIVE AND ORDNANCE DIVISION

MODESTO PAGARA

RICKY REGALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with