Napoles nasa BI ‘lookout’
MANILA, Philippines - Nasa “lookout†bulletin na ng Bureau of Immigration si Janet Lim-Napoles na sangkot sa P10 billion pork barrel scam.
Bukod kay Napoles, kasama rin sa laman ng memorandum order ni Justice Sec. Leila de Lima sa BI ang isang Reynald Jojo Lim, kapatid ni Janet at opisyal din ng mga kumpanyang kanilang itinayo.
Kaugnay nito, inatasan na ni BI OIC Siegfred Mison ang mga tauhan nila na bantayan ang magkapatid sakaling tangkaing umalis ng bansa.
Ang lookout bulletin ang pansamantalang ipinalit ng DoJ sa hold departure order at watchlist order na kasalukuyang nakabinbin sa Korte Suprema.
- Latest






















