^

Bansa

Ika-4 death anniv. ni Cory ginunita

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ginunita ng pamilya Aquino ang ika-4 na ani­bersaryo ng kamatayan ni dating Pangulong Cory Aquino sa kinahihimlayan nito sa Manila Memorial Park sa Parañaque City.

Dakong alas-3:00 ng hapon nang sabay-sabay na dumating ang magkakapatid na sina Pangulong Aquino na nakasuot ng kulay itim na polo na may yellow ribbon, Balsy Cruz, Pinky Abellada at Viel Aquino Dee sa puntod ng kanilang mga magulang. Hindi naman namataan ang bunsong kapatid nila na si Kris na sinasabing nasa ibang bansa.

Tulad ng nakagawian­, nag-alay ng misa ang magkakapatid sa puntod ng kanilang mga ma­gulang na sina dating­ Pangulong Cory at da­ting­ Senador Benigno Aquino­. Pinangunahan ni Father­ Catalino Arevalo at Father­ Manoling Francisco ang misa na kung saan namayani ang mga mensahe ng paghanga sa dating pangulo, paggunita sa kanyang naging buhay at sa huli’y pana­wagan na tularan ang kanyang mga nagawa.

Hindi man lang umupo ang Pangulo, bagkus sumandal lamang ito sa isang malaking puno na malapit sa puntod ng kanyang mga magulang at tinapos ang isang oras na misa na nakatayo.

vuukle comment

BALSY CRUZ

CATALINO AREVALO

MANILA MEMORIAL PARK

MANOLING FRANCISCO

PANGULONG AQUINO

PANGULONG CORY

PANGULONG CORY AQUINO

PINKY ABELLADA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with