^

Bansa

‘Hindi ako nagtangkang mag-suicide’ – ex Cong Benaldo

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - HIndi umano nagtangkang magpakamatay kundi aksidente nangyaring pagkakabaril sa sarili ni dating Cagayan de Oro Congressman Benjamin Benaldo.

Ito mismo ang ginawang pahayag ni Benaldo kahapon matapos siyang makalabas na sa St. Luke’s Medical Center bunga ng nasabing insidente.

Ayon sa kongresista, malaki ang pasasalamat niya sa kanyang staff gayundin sa mga doktor na nagsalba sa kanyang buhay matapos ang nangyaring insidente kung saan siya tinamaan   ng bala  sa kaliwang dibdib.

Tiniyak din ng mamba­batas, na walang kinalaman ang kanyang misis na si Daiana­ Meneses sa nangyari, matapos na umugong ang balita na may alitan silang mag-asawa bunga ng kanyang pananakit dito.

Matatandaang pumutok ang balita nang itakbo sa ospital ang mambabatas matapos na magbaril sa sarili noong nakaraang buwan sa loob mismo ng tanggapan nito sa Kongreso.

Duguan umanong ini­labas si Benaldo sa kanyang opisina sa south-wing ng Batasan Pambansa matapos abutan ng kanyang staff sa loob.

 

vuukle comment

AYON

BATASAN PAMBANSA

BENALDO

DAIANA

DUGUAN

MEDICAL CENTER

ORO CONGRESSMAN BENJAMIN BENALDO

ST. LUKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with