^

Bansa

‘Emong’ mamamayagpag sa Batanes

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patuloy na mamama­yagpag sa lalawigan ng Ba­tanes ang bagyong Emong.

Alas-10:00 ng umaga kahapon, si Emong ay namataan sa layong 460 kilometro silangan ng Isabela, Cagayan taglay ang lakas ng hanging 65 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin hanggang 80 kilometro bawat oras.

Si Emong ay kumikilos pahilagang direksiyon sa bilis na 19 kilometro bawat oras.

Ngayong Miyerkoles, si Emong ay inaasahang nasa layong 470 kilometro silangan ng Basco, Batanes at sa Huwebes ay nasa layong 830 kilometro hilagang silangan ng Basco, Batanes.

Huwebes ng hapon, inaasahan naman na lalabas na ng Philippine area of responsibility si Emong.

Dulot ng pananalasa ni Emong sa bansa, pinaiigting nito ang habagat na siyang nagpapaulan sa Luzon, Visayas at Northern Mindanao.

Pinaalalahanan ng PAGASA ang mga mangi­ngisda na gamit ay maliliit na bangka na huwag munang maglalayag habang malalaki ang alon sa karagatan.

vuukle comment

BASCO

BATANES

DULOT

EMONG

HUWEBES

ISABELA

KILOMETRO

NGAYONG MIYERKOLES

NORTHERN MINDANAO

SI EMONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with