^

Bansa

DOJ nakidalamhati sa pagpanaw ni Pros. Velasco

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Justice (DOJ) sa pamilya at mga kaibigan ng pumanaw na si Cavite Provincial Prosecutor Emmanuel Velasco.

Sa isang pahayag, inilarawan ni Justice Secretary Leila de Lima si Velasco bilang isang dedicated na public servant.

May punto pa umano na naging matigas ang ulo ng opisyal pero kahit pa umano hindi tanggap ng karamihan ang isang partikular na desisyon, hindi iyon hadlang para hindi niya panindigan o gawin ang bagay na naiisip niya ay tama.

Isa umano si Prosecutor Velasco sa mga malugod na tumanggap sa kanya sa kanyang unang araw sa kagawaran.

Sinabi pa ni de Lima na ang matatag na karakter ni Velasco ang naging sandata niya sa pagharap sa mga hamon bilang public prosecutor at pinuno ng Prosecutor’s Office ng Cavite.

Ang kanya umanong pagpanaw ay isang malaking kawalan sa mamamayan ng Cavite, sa National Prosecutors Service at sa buong kagawaran.

Si Prosecutor Velasco ay pumanaw kahapon ng madaling araw dahil sa atake sa puso.

 

vuukle comment

CAVITE

CAVITE PROVINCIAL PROSECUTOR EMMANUEL VELASCO

DEPARTMENT OF JUSTICE

ISA

JUSTICE SECRETARY LEILA

NAGPAABOT

NATIONAL PROSECUTORS SERVICE

PROSECUTOR VELASCO

SI PROSECUTOR VELASCO

VELASCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with