^

Bansa

Bam suportado ng TUCP

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa si Benigno Bam Aquino sa mga inendorso ng grupong Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), isa sa mga pinakamalaking grupo ng mga manggagawa sa buong bansa.

Ang TUCP ay may humigit-kumulang na 1.2 milyon miyembro mula sa halos 30 federations sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. Mayroon rin itong mga miyembro mula sa mga OFW, informal sector, mga driver, urban poor, mga kabataan, mga kooperatiba, at iba pang mga alyansa, coalitions, at civil society groups.

Ang pag-endorso ay pinangunahan ni TUCP partylist Rep. Raymond Democrito Mendoza, at kinabilangan ng iba pang mga kandidatong sinusuportahan ng TUCP.

Ayon sa TUCP, si Aquino ay kabilang sa mga senatorial bets na “ipinakita ang kanilang paninindigan na suportahan ang ‘legislated wage increase’ sa 16th Congress.”

Napag-usapan rin ng TUCP at ni Bam ang pagrepaso at pagsulong ng mas marami pang mga “pro-worker policies”, lalung-lalo na pagdating sa contractualization.

vuukle comment

AQUINO

AYON

BENIGNO BAM AQUINO

ISA

MAYROON

NAPAG

RAYMOND DEMOCRITO MENDOZA

TRADE UNION CONGRESS OF THE PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with