^

Bansa

PCSO Lotto jackpots, dodoblehin

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mas malaki na ang prem­yong maaaring iuwi ng mga masuwerteng Lotto winners dahil dodoblehin ng Philippine Charity Sweepstakes Office ang jackpot ng Lotto 6/42 at MegaLotto 6/45 simula Mayo 17. Ang jackpot ng Lotto 6/42 na dati ay P3 milyon ay magiging P6 milyon, habang ang dating P4.5 milyon sa MegaLotto 6/45 ay dodoble sa P9 milyon. Dahil dito, magbabago rin ang presyo ng tiket ng dalawang larong ito. Mula sampung piso para sa bawat kumbinasyon ay magiging dalawampung piso na. Maglalabas din ng bagong prize at dividend structure para sa Grand Lotto 6/55 at Super Lotto 6/49. Ayon kay PCSO General Manager Atty. Jose Ferdinand M. Rojas II, “Ang layunin ng mga pagbabagong ito ay makalikom ng mas malaking pondo para sa Charity Fund na ginagamit ng opisina upang tumugon sa pangangaila­ngan ng sambayanang Pilipino.”

vuukle comment

AYON

CHARITY FUND

DAHIL

GENERAL MANAGER ATTY

GRAND LOTTO

JOSE FERDINAND M

MAGLALABAS

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

SUPER LOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with