^

Bansa

Kris, Sharon ‘Go’ kay Bam

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawa sa mga pina­kabigating endorsers ng bansa, sina Kris Aquino at Megastar Sharon Cuneta, ay napabilib rin sa kakayahan ni Team PNoy Senatoriable Bam Aquino, kaya’t totodo na daw ang dalawang bituin sa pagsuporta sa huling arangkada ni Bam bago mag-eleksyon.

Unang nagpahayag ng suporta si Sharon gamit ang Twitter upang hikayatin ang kalahating-milyon niyang followers na sana ay ikonsidera si Bam sa pipiliin nila dahil siya mismo ay may tiwala sa kalidad ng nakababatang Aquino. Matatandaan na maging si Senator Kiko rin daw kasi ay 37 lamang nang mahalal sa pagka-senador, isang taon lamang ang tanda kay Bam. At sasabak din si Sharon sa isa sa mga libreng pa-concert na Rock The Vote 2013 upang ipaalam pa sa madla na boto siya kay Bam gaya ng tiwala ng asawa niyang si Senator Kiko.

Si Kris naman ay nag-anunsyong dadalo din daw siya sa concert series gaya ni Sharon upang ipakita ang suporta niya sa mga Team PNoy candidate ng Kuya Noy niya kung saan ay kabilang din ang kanyang nakababatang pinsan.

Laking pasalamat ni Bam Aquino sa suporta at paniniwala nina Kris at Sharon sa mga adhikain niya sakaling maging senador, “Nakakatuwa po dahil sina Ate Kris at Ate Sharon ay sinama tayo sa mga taong totoong pinaniniwalaan nila.” Ngayong nabahagian na si Bam ng star powers ng dalawang bigating endor­sers, panigurado ay tataas pa ang bilang ng mga makukumbinsing bigyan siya ng pagkakataong maglingkod.

“Pag-igtingin ko pa po ang pagsulong ng aking mga adhikain at tuloy-tuloy pa po ang laban natin, ayokong sayangin yung kumpiyansang tinaya sa atin nina Ate Kris at Ate Sharon.” Sabi ni Bam.

 

vuukle comment

ATE KRIS

ATE SHARON

BAM

BAM AQUINO

KRIS AQUINO

KUYA NOY

MEGASTAR SHARON CUNETA

SENATOR KIKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with