^

Bansa

Crisis alert level 1 na sa Sokor - DFA

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inilagay na ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa crisis alert level 1 ang sitwasyon ng mga Pinoy sa South Korea kasunod ng deklarasyon ng North Korea na “state of war”.

Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez,  binigyan na ng abiso ang mga Filipino community  sa South Korea na manatiling naka-heightened alert kasunod ng pagdedeklara ng state of war ng Nokor noong Sabado na pinangangambahang magiging panimula ng all-out nuclear conflict sa Korean Peninsula.

Sinabi ni Hernandez, kasado na ang contingency plans ng Embahada ng Pilipinas sa Seoul at naka­handa sa anumang planong repatriation o paglilikas sa mga Pinoy kung kinakailangan.

Sa ilalim ng alert level 1, ang mga Pinoy sa tensyonadong bansa ay inilagay sa heightened alert. Ang alert level 2 ay inaabisuhan ang mga Pinoy na manatili sa loob ng kanilang bahay o umiwas sa mga lugar na may nagaganap na karahasan habang ang alert level 3 ay relokasyon o voluntary evacuation at ang pinakamataas na alarma, alert level 4 ay sapilitang paglilikas o mandatory evacuation.

Kapag tumaas ang tensyon at sumiklab muli ang kinatatakutang giyera ng magkalabang Sokor at Nokor, maaari umanong isagawa ang paglilikas sa mga Pinoy sa pamamagitan ng pagsakay ng eroplano at barko paalis sa South Korea.

Ani Hernandez, nakikipag-koordinasyon na rin ang Embahada sa United States forces na nasa Korea at United Nations Command hinggil sa security situation sa Korean Peninsula upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng tinatayang may 50,000 Pinoy sa Korea.

 

vuukle comment

ALERT

ANI HERNANDEZ

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

EMBAHADA

FOREIGN AFFAIRS SPOKESMAN RAUL HERNANDEZ

KOREAN PENINSULA

NOKOR

PINOY

SOUTH KOREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with