^

Bansa

Ateneo nanguna sa 2012 Bar Exam

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakuha ng Ateneo de Manila University ang  una at ikalawang puwesto sa isinagawang 2012 Bar Exam kung saan umabot sa 949 ang nakapasa sa 5,343  exa­minees.

Markang 85.64 % ang nakuha ni Ignatius Michael Ingles na nasa unang puwesto at sinundan naman ni Catherine Beatrice O. Kingkay na may 84.72%.

Ayon kay Ingles, hindi niya inaasahan na makakakuha siya ng pinakamataas na marka sa Bar exam na ipinalabas ng Supreme Court. Aniya, ibinigay lamang umano niya ang lahat ng kanyang makakaya sa pagsusulit na pinaglaanan niya ng lima hanggang anim na buwang pagre-review.

Nasa ikatlong puwesto naman si April Carmela B. Lacson ng University of the Philippines (84.48), pang-apat si Romualdo, Xavier Jesus D. ng ADMU (84.10). Kapwa nasa ikalima sina Base, Maria Graciela D. ng UP at Machuca, Jose Maria Angel P. ng ADMU(83.99)

Pang-anim si Salazar, Patrick Henry D. ng UP (83.71) na sinundan nina Barcelona, Ralph Karlo B. ng Aquinas University (83.43); Llamas, Marvyn S. ng ADMU (83.27), Li, Carlo Martin C. ng ADMU (83.27) at pang-10 si Tiopianco, Francis Paolo ng UP (83.25).

vuukle comment

APRIL CARMELA B

AQUINAS UNIVERSITY

BAR EXAM

CARLO MARTIN C

CATHERINE BEATRICE O

FRANCIS PAOLO

IGNATIUS MICHAEL INGLES

JOSE MARIA ANGEL P

MANILA UNIVERSITY

MARIA GRACIELA D

MARVYN S

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with