^

Bansa

Pinoy sa US terror plot, nag-plead ng not guiIty

Ellen Fernando - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isang Pinoy na inakusahan na sangkot sa isang terror plot sa Estados Unidos na sinasabing sumapi at magsasanay sa international terrorist group na Al Qaeda ang nag-plead ng not guilty sa US court.

Base sa report, ang Pinoy na si Ralph Kenneth De Leon, 23-anyos, ay iniharap sa kauna-unahan sa  federal court noong Miyerkules at nag-plead ng not guilty sa kasong “conspiracy to support terrorists”. Siya ay may mga alyas na Rafiq Abdul Raheem at Ya Seen.

Una nang kinumpirma ng Department  Foreign of Affairs (DFA), na bagaman isa nang Filipino-Ame­rican ay nagtataglay pa rin ng Philippine passport si De Leon nang maaresto ng Federal Bureau of Investigation (FBI) sa isinagawang pagsalakay sa isang safe house sa Chino, California.

Si De Leon ay kabilang sa apat na katao na dinakip dahil sa umano’y planong paghahasik ng terorismo sa US.

Kinilala ang ibang kasamahan ni De Leon na sina  Sohiel Omar Kabir,  Arifeen David Gojali, at Miguel Alejandro Santana Vidriales.

Si Kabir na isang naturalized US citizen na isinilang sa Afghanistan ang sinasabing leader ng nasabing grupo at unang nadakip sa  Afghanistan noong Nobyembre 17, isang araw bago ang pagkakadakip sa tatlo ng mga ahente ng FBI.

Magugunita na nagpahayag ang DFA na inatasan na nila ang Embahada ng Pilipinas sa US na tutukan ang kaso at bigyan ng kaukulang legal assistance si De Leon bilang isang Pinoy upang maipagtanggol ang sarili sa nasabing kaso.

Nabatid ng FBI na kasama si De Leon na nakatakdang tumungo sa Afghanistan upang mag-training sa ilalim ng Al-Qeada at Taliban at magpa-convert bilang Muslim na target na pumatay umano ng mga Amerikano na kanilang target sa operasyon bilang mga front lines na magdadala ng mga bomba o pampasabog.

Kumuha na rin ng ilang impormasyon ang Pilipinas hinggil sa pagkakadakip ni De Leon at sa posibilidad na posibleng target din ng nasabing grupo na maghasik ng terorismo sa bansa.

vuukle comment

AL QAEDA

ARIFEEN DAVID GOJALI

DE LEON

ESTADOS UNIDOS

FEDERAL BUREAU OF INVESTIGATION

FOREIGN OF AFFAIRS

ISANG PINOY

LEON

MIGUEL ALEJANDRO SANTANA VIDRIALES

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with