^

Bansa

Riding-in-tandem, carjacking dadami

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nangangamba ang mga empleyado ng Land Transportation Office (LTO) na dumami pa ang insidente ng riding-in-tandem at carjacking sa  bansa lalo na sa Metro Manila bunsod ng kawalan ng maibigay na plaka ng mga sasakyan ng ahensiya sa mga bagong sasakyan.

Ito’y ayon sa mga em­pleyado ay bunsod na rin ng naipalabas na direktiba ni LTO Chief Virgie Torres na extended pa rin ang implementasyon ng kanyang memorandum na nagsasaad na maaaring magamit ang mga sasak­yan kahit walang plaka dahil sa kakulangan sa car plates ng LTO.

Binigyang diin ng mga opisyal ng LTO na maging sila man ay nangangamba sa nangyayaring ito sa ahensiya na hanggang sa ngayon ay hindi masolusyunan ng kasalukuyang administrasyon ng LTO.

Kaugnay nito, nanga­ngamba rin ang naturang mga opisyal na malamang na magbalik sa papel na operasyon ang LTO sa susunod na taon dahil sa pahayag ng Stradcom corporation, ang IT provider ng LTO na mapapaso na ang kontrata sa February 2013, na hindi nila ibibigay ang kanilang data base sa LTO.

Mahigit P4 mil­yon ang utang ng LTO sa Stradcom dahil sa ‘di pagbabayad ng una sa huli sa buwanang serbisyo dito. Nagsimulang hindi magbayad ang LTO ng serbisyo sa Stradcom mula nang magkaroon ng illegal take over sa Stradcom ng mga nagpapakilalang bagong may-ari ng kumpanya na sinasabing kaibigan daw ni Torres.

vuukle comment

BINIGYANG

CHIEF VIRGIE TORRES

KAUGNAY

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LTO

MAHIGIT

METRO MANILA

STRADCOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with