^

Bansa

3 dam nagpakawala ng tubig

- Angie dela Cruz - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Nagpakawala ng tubig ang tatlong pangunahing dam sa Luzon kahapon ng umaga dahil sa patuloy na pagtaas ng level ng tubig bunga ng pag-uulan.

Ayon sa PAGASA, alas-6:00 ng umaga nang magsimulang buksan ang isang gate ng Ambuklao dam sa Benguet habang ang Binga sa Itogon at San Roque dam sa Pangasinan naman ay nakabukas pa rin ang kanilang dalawang gate para mag- release ng sobrang tubig.

Sinasabing patuloy ang pagpapakawala ng tubig sa tatlong dam bunga na rin ng pag-abot sa 750.98 meters ang level ng tubig.

Pinapayuhan ng PAGASA ang mga residenteng nakatira malapit sa naturang mga dam na mag-ingat at imonitor ang paligid para makaiwas sa anumang panganib o banta ng flashfloods at landslides.

vuukle comment

AMBUKLAO

AYON

BENGUET

BINGA

ITOGON

LUZON

NAGPAKAWALA

PANGASINAN

PINAPAYUHAN

SAN ROQUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with