^

Bansa

Tanauan City binigyan ng Seal of Good Housekeeping ng DILG

- Butch M. Quejada - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Ginawaran ni DILG Secretary Jesse Robrero ng Seal of Good Housekeeping ang Tanauan City sa ilalim ng pamumuno ni Tanauan City Mayor Sonia Torres-Aquino matapos pa­ngunahan ng huli ang pagpapatayo ng moderno at maka­bagong gusali na magsisilbing opisina ng DILG at mga kakabit nitong tanggapan kagaya ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire and Protection (BFP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ayon kay Sec. Robredo, ito ang kauna-unahang pagkakataon na isang lokal na pamahalaan ang nagpondo sa proyekto ng isang national government at kaakibat ng nasabing pagkilala ay ang P3 milyong gantimpala mula sa DILG. Ang nasabing proyekto na tinaguriang centralized building ng nasabing mga tanggapan ng gobyerno sa lungsod ay naisakatuparan dahil sa inisyatibong ipinamalas ni Aquino.

Sa pagsisimula ng proyekto ay nagpalabas ang pamahalaang lungsod ng Tanauan ng P50 milyon para gugulin sa konstruksyon ng nasabing gusali na kailangang-kailangan ng DILG, PNP, BFP at BJMP para sa mas mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng publiko sa nasabing lungsod.

vuukle comment

AQUINO

AYON

BUREAU OF FIRE AND PROTECTION

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

GINAWARAN

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SEAL OF GOOD HOUSEKEEPING

SECRETARY JESSE ROBRERO

TANAUAN CITY

TANAUAN CITY MAYOR SONIA TORRES-AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with