^

Bansa

Broker, Customs employee nasa 'hot water'

- Butch M. Quejada - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nasa “hot water” nga­yon ang isang broker at isang kawani ng Bureau of Customs (BoC) matapos umanong masangkot ang mga ito sa ilang anomalya sa ahensiya.

Pinaiimbestigahan na ni Customs Commissioner Ruffy Biazon sina Danny Ngo, isang broker at Bobbit Borja, kawani naman ng natu­rang  ahensiya.

Ayon sa ilang intelligence report na nakarating sa tanggapan ni Biazon, sina Ngo at Borja ay binigyan  umano ng halagang P5.2 million ng mga importer na nakabase sa Dagupan, Divisoria, kapalit na mailalabas umano ng mga ito ang mga imported na sako-sakong mga bigas.

Subalit, napag-alaman na “sinunog”  umano nina Ngo at Borja ang nasabing halaga at kamakailan lamang ay nasakote ng mga tauhan ni Biazon ang 90 units 40-footer container van na naglalaman ng 420,000 sakong mga imported na bigas sa port ng Subic.

Base sa record ng BoC, si Borja ay tauhan umano ni dating BoC Commissioner Angelito Alvarez, na  ang position ay clerk.

Nang maalis si Alvarez bilang BoC commissioner, nailipat sa ibang departamento si Borja at ito ay naging Customs police.

Sa ngayon ay pinag-aaralan na ng BoC kung ano ang mga kaukulang kasong isasampa kina Ngo at Borja.

vuukle comment

ALVAREZ

BIAZON

BOBBIT BORJA

BORJA

BUREAU OF CUSTOMS

COMMISSIONER ANGELITO ALVAREZ

CUSTOMS COMMISSIONER RUFFY BIAZON

DANNY NGO

NGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with