^

Bansa

Tiwangwang na lupa gawin na lang pabahay sa mahihirap

- Gemma Amargo-Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Hinikayat ng isang mambabatas ang pamahalaan na gawin na lamang pabahay sa mga mahihirap ang mga nakatiwangwang at hindi ginagamit na mga ari-arian ng gobyerno.

Ayon kay LPG Marketers Association (LPG-MA) party list Rep. Arnel Ty, dapat na magsagawa ng inventory ang national government sa lahat ng non-performing real properties at pag-aralan kung ang mga ito ay maaring gawing bahay para sa mga mahihirap sa murang halaga.

Dapat din umanong gumawa ng specific strategy ang housing authorities upang ma-develop ang mga assets para sa community housing at humingi ng tulong sa Kongreso upang suportahan ito sa pamamagitan ng paghingi ng pondo.

Kabilang umano sa mga maaring gawing murang bahay ay ang mga hindi ginagamit na government warehouses at office buildings kabilang na ang mga nasira ng su­nog, baha, landslides at iba pang disasters na maaaring pangasiwaan ng national shelter agencies o katulong ang provincial, city at municial governments.

Gayundin ang mga real estate na ipinasara o kinuha ng iba pang government financial institution na nananatiling walang gumagamit na umano’y kalimitang mayroon ganitong mga ari-arian ang Land Bank of the Philippines, Development Bank of the Philippines at Philippine Deposit Insurance Corp.

Idinagdag pa ni Ty, na umaabot sa 580,000 informal settlers kabilang na dito ang 105,000 pamil­ya ang nakatira sa ilalim ng mga tulay sa paligid ng airports na maituturing na isang high risk zones base sa National Housing Authority.

vuukle comment

ARNEL TY

AYON

DAPAT

DEVELOPMENT BANK OF THE PHILIPPINES

GAYUNDIN

LAND BANK OF THE PHILIPPINES

MARKETERS ASSOCIATION

NATIONAL HOUSING AUTHORITY

PHILIPPINE DEPOSIT INSURANCE CORP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with