^

Bansa

Taxi operators tutol ibaba ang flag down rate ng mga taxi

- Angie dela Cruz - The Philippine Star

MANILA, Philippines – Mariing tinutulan ng isang grupo ng mga taxi operators ang hirit ng commuters group na maibalik sa P30 ang kasalukuyang P40 na flag down rate sa taxi.

Sinabi ni Quezon City Councilor at Philippine National Taxi Operators Association (PNTOA) President Bong Suntay na walang basehan ang kahilingan ng National Council for Commuters Protection na ibalik sa P30 ang flag down rate sa taxi.

Sinabi pa ni Suntay na maghahain ang kanyang grupo ng oposisyon sakaling isalang na sa pagdinig ng LTFRB ang bagay na ito.

Ipinaliwanag ni Suntay na nasa P 21.50 pa lamang ang presyo ng AUTO LPG at P38 naman ang presyo ng kada litro ng unleaded gasoline noong bago itaas sa P40.00 ang flag down rate sa taxi.

Sa ngayon anya ay nasa P 27.50 na umano ang halaga ng auto LPG habang P57  ang unleaded gas na masyadong mataas pa rin para sa kanilang operasyon.

Sa tantiya ni Suntay, malulugi ng P350  kada araw ang mga taxi ope­rators sa bawat unit kung ibabalik sa P30 ang flag down rate sa taxi.

vuukle comment

COMMUTERS PROTECTION

IPINALIWANAG

MARIING

NATIONAL COUNCIL

PHILIPPINE NATIONAL TAXI OPERATORS ASSOCIATION

PRESIDENT BONG SUNTAY

QUEZON CITY COUNCILOR

SINABI

SUNTAY

TAXI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with