^

Bansa

Bilanggo sa NBP 'kabado' sa P229M bidding

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Kabado ang mga bilanggo sa Maximum Security Compound sa National Bilibid Prisons sa (NBP) lunsod ng Muntinlupa kung sino ang mapalad na bidder na mananalo sa tumataginting na P229 milyong catering services ngayong taon para sa mga presong nakakulong sa naturang bilangguan.

Ito ay sa harap na rin ng mga umuugong na balitang napapaboran sa proseso ng bidding ang isang Chinese bidder na sinasabing siya umanong may hawak sa catering services ng Medium Security Compound, Davao Penal Colony at Iwahig Penal Colony.

Hindi naman makapagbigay ng kongkretong de­talye sa media ang Bids and Awards Committee (BAC) ng ahensiya kung bukod sa Mang Kiko Cate­ring Services ay ilan pa ang sumali sa bidding.

Maging Si Bucor Director Gaudencio Pangilinan ay hindi pa rin nagbibigay ng pahayag kaugnay sa naturang bidding kaya’t hinihinala ng mga grupong nakabantay sa naturang aktibidad na ito ay pinaglilihiman ng mga opisyal ng ahensiya na kanya nang inabutan.

Si Pangilinan ay halos wala pang isang taon na nanunungkulan bilang pinuno ng Bucor.

IIang ulit na na­bago ang petsa ng pre-bidding sa nabanggit na kontrata pero base sa website ng Government Electronic Procurement Services ay isasagawa ito sa Mayo 28 subalit hanggang sa ngayon ay wala pang opisyal na pabatid ang BAC ng Bucor.

Umaasa naman ang mga preso na maitutuwid na ng mananalong bidder ang naging kapalpakan sa mga unang catering contracts na nakopo sa NBP.

vuukle comment

BIDS AND AWARDS COMMITTEE

BUCOR

DAVAO PENAL COLONY

GOVERNMENT ELECTRONIC PROCUREMENT SERVICES

IWAHIG PENAL COLONY

MAGING SI BUCOR DIRECTOR GAUDENCIO PANGILINAN

MANG KIKO CATE

MAXIMUM SECURITY COMPOUND

MEDIUM SECURITY COMPOUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with