^

Brigada eskwela sa Mayo 21

- Ni Mer Layson () - May 13, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Simula sa Mayo 21 ay pasisimulan ng Department of Education (DepEd) ang isang linggong Brigada Eskwela bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa school year 2012-2013 sa Hunyo 4.

Naipapakita ang bayanihan sa Brigada Eskwela kung saan nagkakaisa ang mga magulang, istudyante, guro at community leaders sa paglilinis, pagkukumpuni at pagpipintura sa mga pasilidad ng paaralan para sa balik-eskwela.

Nauna rito, hiniling ni Sec. Armin Luistro sa iba’t ibang stakeholders na tulungan sila sa pagpapatayo ng palikuran at washroom dahil mahalaga rin sa pag-aaral ang kalinisan at kalusugan ng mga ito.         

Nabatid na abot sa 135,847 paaralan ang walang palikuran.  

ARMIN LUISTRO BRIGADA ESKWELA DEPARTMENT OF EDUCATION ESKWELA HUNYO NABATID NAIPAPAKITA NAUNA
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with