^

Obrero tinodas ng bisor

- Ni Mer Layson () - May 7, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Napaslang ang 34-anyos na obrero matapos bagsakan ng kalan sa ulo ng kanyang bisor sa loob ng barracks sa Heroes Ville AFP sa Sitio Paenaan, Bgy. Pinugay sa bayan ng Baras, Rizal, kamakalawa ng umaga.

Basag ang bungo ng biktimang si Antonio Torres, 34, ng Lot 21 Block 15, Sitio Paenaan nasa­bing barangay. Samantala, nasa­kote­ naman ang sus­pek­ na si Solomon Santiago, 38, foreman, ng #105 Sitio Sanakay, Bgy. dela Paz, Antipolo City.

Sinasabing napahiya ang suspek sa kanyang mga tauhan matapos kantiyawan ng biktima dahil sa mababang score sa videoke.

Ilang minuto ang lumipas ay nagpaalam na ang biktimang lango na sa alak para matulog at nang nakahiga na ito ay pinasok ng suspek sa kanyang barracks saka binagsakan ng kalang bato sa ulo.

Tinangkang tumakas ng suspek subalit hinarang ito ng ilang security guard at agad na itinawag sa himpilan ng pulisya.

ANTONIO TORRES BASAG BGY HEROES VILLE ILANG NAPASLANG PAZ SITIO PAENAAN SITIO SANAKAY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with