^

Bansa

20,000 obrero magsasanib ngayong Araw ng Paggawa

- Nina Angie dela Cruz, Gemma Garcia at Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Magsasagawa ng isang malaking kilos protesta ang mga manggagawa mula sa rural at urban poor sector kasabay ng selebrasyon ng Labor Day ngayong araw (Mayo 1).

Sinabi ni Anakpawis Rep. Rafael Mariano na ang protesta na tinawag nilang “Araw ng Paniningil at Paglaban,” ay sasalihan ng mga libong manggagawa, magsasaka at mahihirap mula  sa mga rural at urban areas.

Ayon sa mambabatas, sa nakalipas na 23 buwan nang panunungkulan ni Aquino ay dumanas ang mga mahihirap ng pagdurusa sa anti-people policies ng Pangulo at maniningil sila simula ngayon.

Sinabi ni Mariano na nais ng mga manggagawa na panagutin si Aquino dahil sa kapabayaan nito sa kahilingan at panga­ngailangan ng samba­yanang Pilipino tulad ng dagdag sahod, reporma sa lupa, trabaho at hustisya.

Tinatayang 20,000 obrero ang magsasanib sa Labor rally ng malaking alyansa ng mga mangga­gawa.

Ang 40 labor groups na nasa ilalim ng Nagkaisa Labor Coalition ay magtitipon sa Welcome Rotonda bago dumiretso sa Don Chino Roces bridge.

Ayon kay Allan Tanjusay, tagapagsalita ng grupo, ang mga lider ng Nagkaisa Labor Coalition ay nakatakda namang makipag-almusal kay Pangulong Noynoy Aquino at doon hihintayin kung may maganda itong anunsiyo para sa mga manggagawa.

Inaasahan nilang may magandang balita ang Pangulo na umento para sa mga manggagawa  at pagkalooban ang mga obrero ng non-wage bene­fits gaya ng bigas at basic food subsidies na babalikatin ng gobyerno.  

vuukle comment

ALLAN TANJUSAY

ANAKPAWIS REP

AQUINO

AYON

DON CHINO ROCES

LABOR DAY

NAGKAISA LABOR COALITION

PANGULO

PANGULONG NOYNOY AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with