^

Bansa

Jail riot: Inmate dedo, 2 grabe

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Napatay ang isang preso habang dalawang iba pa ang malubhang nasugatan matapos na mauwi sa riot ang masayang selebrasyon ng kaara­wan ng isa sa mga bi­langgo sa loob ng Sorsogon Provincial Jail sa Sorsogon City kamakalawa ng gabi.

Idineklarang patay sa ospital sa tinamong mga saksak sa katawan ang biktimang si Rommel Lanuza, binansagang mayor sa piitan at mi­yembro ng Sputnik Gang.

Kasalukuyan namang ginagamot sa ospital ang dalawa pa nitong kasamahan sa gang na sina Ronaldo de Vera at Jerry Habla.

Sa ulat na nakara­ting kahapon sa Camp Crame, naganap ang riot sa gitna ng masayang inuman ng mga preso sa kaarawan ni Lanuza bandang alas-8:30 ng gabi.

Ayon sa imbestigas­yon, bigla na lamang sinugod ang mga biktima ng kalabang Bahala na Gang sa pamumuno ni Raffy Bolanyo na armado ng patalim.

Nagsasayaw ang gru­po ni Lanuza at nagkakantahan sa loob ng kanilang selda nang lusubin ng grupo ni Bolanyo.

Natigil lamang ang riot matapos na magresponde ang Special Disorder and Commotion Unit ng Provincial Jail Guard.

Sa tala, aabot sa 395 preso ang nakapiit sa Sorsogon Provincial Jail.

vuukle comment

CAMP CRAME

JERRY HABLA

LANUZA

PROVINCIAL JAIL GUARD

RAFFY BOLANYO

ROMMEL LANUZA

SORSOGON CITY

SORSOGON PROVINCIAL JAIL

SPECIAL DISORDER AND COMMOTION UNIT

SPUTNIK GANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with