^

Bansa

PNoy at Grace 3-5 oras kung mag-usap sa phone

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Ayaw magkomento ng Malacañang sa mga sinasabi ni GMA 7 news anchor Grace Lee sa kanyang media interviews na nagkakausap sila ni Pangulong Aquino ng 3-5 oras sa telepono.

Sinabi ni Lee sa kanyang mga interviews na si Pangulong Aquino ang kanyang pinaka-matalinong tao na nakilala at nakausap niya ng halos 5 oras sa telepono.

Itinanggi rin ng Palasyo ang sinasabing pag-alok ng security detail ni Aquino sa kanyang ‘apple of the eye’ na si Lee.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, wala siyang personal knowledge sa nasabing alok kaya itatanong muna niya ito pero duda siya kung ginawa ito ng Pangulo.

Magugunita na mismong si Ms. Lee ang nagsabi na inalok daw siya ni PNoy ng security details subalit tinanggihan niya ito dahil kaya naman daw niyang protektahan ang kanyang sarili.

Hindi naman makumpirma ng Palasyo kung magi­ging panauhin ba ng Pangulo sa kanyang kaa­rawan si Ms. Lee.

Naunang sinabi ni Lee na mayroon na siyang inihahandang regalo dito para sa kanyang kaa­rawan.

Kamakalawa ay nakiusap din ang Pangulo sa media na hayaan na lamang para sa kanya ang kanyang plano sa darating na Valentines day at ma­ging sa kanyang kaarawan.

vuukle comment

AQUINO

AYAW

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

GRACE LEE

KANYANG

MS. LEE

PALASYO

PANGULO

PANGULONG AQUINO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with