^

Bansa

PNoy may bagong ka-'date'

- Aurea Calica -

MANILA, Philippines - Merong “date” si Pangulong Benigno Aquino III noong Huwebes ng gabi makaraang bisitahin siya sa Malacañang ni Thai Prime Minister Yingluck Shinwatra.

Ito ang nabatid sa isang impormante bagaman tumanggi siyang banggitin kung kanino nakipag-“date” ang Pangulo. 

Nakita umano ang Pangulo at ang kanyang ka-“date” na magkasamang naghahapunan bago nagkape. Inihatid pa ng Punong Ehekutibo pauwi sa bahay ang babae pagkatapos nilang lumabas, ayon pa sa impormante.

Ipinalalagay na nagkakilala ang dalawa sa isang pampublikong okasyon kamakailan.

Huling naka-“date” ni Aquino ang titser na si Mary Louise Calica kasunod ng sa stockbroker na si Maria Elena Lopez at stylist na si Liz Uy.

Sinasabing nagkainteres rin ang binatang Pangulo sa aktres na si Iza Calzado nang magkita at magkausap sila sa birthday party ng actor-singer na si Ogie Alcasid. Pero hindi nagpursige ng panliligaw ang Pangulo. Nilinaw naman ni Calzado na nag-usap lang sila at hindi lumabas.

Ikakasal naman ngayon ang dating nobya ni Aquino na si da­ting Valenzuela City Councilor Shalani Soledad kay Pasig City Congressman Roman Romulo.

Napabalita na naman ang personal na buhay ng Pangulo nang mag-“tweet” ang bunso niyang kapatid na si actress-television host Kris Aquino na bagay sa kanyang kuya ang lider ng Thailand.

Noong Disyembre, sinabi ng Pangulo na hindi kasama sa listahan ng kanyang mga prayoridad ang pag-aasawa.

vuukle comment

AQUINO

COUNCILOR SHALANI SOLEDAD

IZA CALZADO

KRIS AQUINO

LIZ UY

MARIA ELENA LOPEZ

MARY LOUISE CALICA

NOONG DISYEMBRE

OGIE ALCASID

PANGULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with