^

Bansa

OFW piniling makatulong kahit nakansela ang pagsakay sa eroplano

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Mas pinili ng isang 29-anyos na OFW na makansela ang biyahe patungong Singapore upang saklolohan ang taxi driver na maghahatid sana sa kaniya sa airport matapos atakihin sa puso ang huli sa kahabaan ng Roxas Boulevard, Maynila kahapon ng madaling araw.

Naging saksi sa pagkamatay ng biktimang si Amor Mario, 57, driver, ng Extremadura st. Sampaloc, Maynila ang OFW na si Violeta dela Cruz, may asawa, ng Sampaloc.

Sa ulat ni SPO1 Jupiter Tajonera ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-3:30 ng madaling araw ay nakaramdam ng paninikip ng dibdib ang driver at inihinto sa tapat ng Manila Yacht Club ang sasakyan.

Sa halip na iwan ang driver dahil alas-5:20 ang flight ni dela Cruz at kumuha ng ibang sasakyan, binuksan nito ang lahat ng bintana ng sinasakyang Nissan Sentra (TBC-800) at humingi ng saklolo sa dumaraang motorista kaya nadala sa Ospital ng Maynila si Mario.

Dakong alas-8:20 ng umaga nang tuluyang bumigay ang biktima kaya tinulungan na rin ni dela Cruz na mailagak ang labi nito sa St. Ivan Funeral Homes.

vuukle comment

AMOR MARIO

CRUZ

DAKONG

JUPITER TAJONERA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MANILA YACHT CLUB

MAYNILA

NISSAN SENTRA

ROXAS BOULEVARD

ST. IVAN FUNERAL HOMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with