^

Bansa

Bonus sa Pasay maagang ibinigay

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Maagang nagdiwang ng Pasko ang may 3,500 na kawani ng Pasay City Hall makaraang matanggap ng maaga ang kanilang 13th month pay matapos lumobo pa ng hanggang P500 milyon ang koleksiyon sa buwis­ ng lungsod ngayong taon.

Bukod dito, tiniyak pa ni Mayor Tony Calixto sa mga kawani na makakatanggap pa sila ng karag­dagang bonus pagpasok ng buwan ng Disyembre.

Sinabi ni Calixto na paraan umano ito ng pamahalaang lungsod na makapagpasalamat sa kanilang mga tauhan na tumulong para maging matagumpay ang paglago ng lungsod sa pamamagitan ng maayos na koleksyon ng buwis.

Idinagdag ng alkalde na bukod sa pamamahagi ng bonus, ipakukumpuni pa niya ang pasilyo ng gu­ sali habang sa susunod na taon ay ang Hall of Justice, Comelec office, headquarters ng pulisya at maging ang Cuneta­ Astrodome ang isasailalim naman sa renovation.

Ang naturang mga proyekto ay upang maipakita sa mga Pasayeno kung saan napupunta ang buwis na kanilang binabayaran.

Tutulong din aniya ang lokal na pamahalaan maging­ sa mga proyektong pambarangay, pagkukumpuni ng kanilang mga sirang kalsada o eskinita at paglilinis ng mga kanal at iba pang daluyan ng tubig.

vuukle comment

BUKOD

CALIXTO

COMELEC

CUNETA

DISYEMBRE

HALL OF JUSTICE

IDINAGDAG

MAYOR TONY CALIXTO

PASAY CITY HALL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with