DepEd 'sinuba' ang kindergarter teachers - solon

MANILA, Philippines - Ibinulgar ng isang mambabatas ang umanoy hindi pagbabayad ng honoraria sa mga kindergarten tea­chers na kinuha ng Department of Education (DepEd) sa panimula ng “Universal kindergarten” o K+12 program na inilunsad nitong taon.

Sinabi ni Isabela Rep. Rodolfo Albano, lumalabas sa datos ng DepEd na nasa 29,615 ang bilang ng mga pre-school teachers kung saan 2,299 lamang ang may permanenteng estado.

Habang ang mga contractual teachers ay tumatanggap ng P3,000-P6,000 monthly honoraria para sa 4 na oras na daily shift, ang mga permanente ay tumatanggap naman ng P17,999 buwanang sahod.

Kung susumahin umano ay 27,316 ang tumatanggap ng sahod na katumbas ng buwanang sahod ng isang kasambahay.

Nangangailangan pa rin ang DepEd ng P5.7 bil­yong karagdagang pondo para bayaran ang kukuning mga bagong kindergarten teachers.

Sinabi ni Albano na kung hindi kayang bayaran ng gobyerno ang P3,000-P6,000 honoraria ng mga pre-school teachers ay lalong hindi nito magagawang kumuha ng karagadagang 103,000 public school teachers o magpagawa ng 66,000 classrooms.  

Show comments