^

Bansa

SC decision sa PAL binawi

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Binawi ng Korte Suprema ang naunang desisyon nito na sinasabing illegal ang ginawang retrenchment ng PAL management noong 1998.

Sa 2-pahinang kautusan ng SC en banc nitong Oktubre 4, pinawalang-bisa nito ang naging ruling ng SC 2nd Division na inisyu noong Setyembre 7, 2011, na nagbabasura naman sa inihaing second motion for reconsideration na inihain ni Lucio Tan.

Sa halip, sinabi sa re­solusyon ng SC en banc, na mismong ang en banc o

15-man tribunal na ang hahawak at magreresolba sa kaso.

“The Court en banc further resolves to recall the resolution dated

September 7, 2011 issued by the Second Division in this case,” saad ng

en banc resolution.

Nabatid na pinakialaman ng en banc ang kaso nang maghain ng liham si

Atty. Estelio P. Mendoza, sa Mataas na Hukuman na kumukwestiyon sa bumubuo ng SC 2nd Division.

Nagkaroon umano ng kalituhan nang madiskubre ng kampo ni Tan na hindi dapat ang 2nd Division ang humawak sa kaso at sa halip ay dapat ang 3rd Division.

Ang nasabing procedural lapse sa SC 2nd Division ay dahil sa leave of absences ng ibang mahistrado at re-shuffle naman ng mga mahistrado matapos ang magkakasunod na pagreretiro ng ilan.

Ang orihinal na ponente ng kaso ay si da­ting SC Associate Justice

Consuelo Ynares-Santiago, na ngayon ay Ombudsman. Nagpasya ang SC na muling i-raffle ang kaso.  

vuukle comment

ASSOCIATE JUSTICE

BANC

BINAWI

CONSUELO YNARES-SANTIAGO

DIVISION

ESTELIO P

HUKUMAN

KORTE SUPREMA

LUCIO TAN

SECOND DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with