^

Bansa

6 oras na trabaho lang sa mga buntis

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Isinusulong ng isang mambabatas ang pagtatrabaho ng anim na oras sa halip na walo kada araw para sa mga buntis na nag-oopisina o nagtatrabaho sa pabrika.

Sa House Bill 5031 o ”Pregnant Women Workers Act” na inihain ni Bacolod Rep. Anthony Golez, inilahad nito ang kahalagahan ng pamilya at pantay na proteksyon sa ina at sa ipinagbubuntis nito.

Giit ng mambabatas, mahirap ang buhay sa kasalukuyan kayat ang tradisyunal na ang lalaki lamang ang nagtatrabaho ay hindi na uso.

Ayon kay Golez, sa ngayon ang mga babae, maging dalaga o may-asawa ay bahagi ng work force ng bansa at kahit buntis ay napipiltan pa ring maghanapbuhay kaya nalalantad ang mga ito sa lahat ng uri ng stress na nakakaapekto sa kanilang mga sanggol.

Dahil dito kayat mas nangangailangan ng karagdagang pahinga ang mga buntis upang maka-iwas sa kumplikasyon dala ng pagdadalantao. 

Sa ilalim ng panukala, ang mga nagtatrabahong buntis ay papayagang makapagtrabaho ng hanggang anim na oras kada araw at tatanggap ng kaparehong sahod na ibinibigay sa nagtatrabaho ng walong oras.

ANTHONY GOLEZ

AYON

BACOLOD REP

DAHIL

GIIT

GOLEZ

ISINUSULONG

PREGNANT WOMEN WORKERS ACT

SA HOUSE BILL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with