^

Bansa

Budget ng mga State U, colleges kinaltasan uli!

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Binatikos ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino makaraang muling tapyasan ang budget ng mga “state colleges and universities” para sa taong 2012.

Sa datos ng ACT, sa P1.816 trilyong pondo para sa 2012 National Expenditure Program (NEP), aabot lamang sa P21.8 bilyon ang inilaan ng pamahalaan sa mga State U at Colleges na isinumite nila sa Kongreso. Mas mababa pa ito sa P22.03 bilyong budget para ngayong 2011 at napakalayo sa P49 bilyong panukalang budget ng Commission on Higher Education (CHED).

Sinabi ni France Castro, secretary general ng ACT, nangangahulugan ito ng paglala ng kakapusan sa guro, kawani, pagkabulok pa ng mga pasilidad at kawalan ng dagdag na mga kagamitan para sa mga estudyante sa kolehiyo.

Umaabot rin sa P569.8 milyon ang kinaltas sa “operations budget” sa 50 SUC’s para sa taong 2012.  Matatandaan na nitong 2011, umaabot sa higit P1 bilyon na ang kinaltas ng administrasyong Aquino sa operations budget.

Nasa 45 SUC’s ang kinaltasan ng P250.9 milyon para sa “maintenance and other operating expenses”, 58 SUC’s ang kinaltasan ng P403.3 milyon para sa “Personal Services (PS)” na nangangahulugan umano na walang pagtataas sa suweldo ng mga kawani ng mga SUC’s base sa “Salary Standardization Law” sa taong 2012.

Sa kabila ng bulok na mga gusali, pasilidad at napakaraming mga hindi na ma-accomodate na mga mag-aaral sa mga SUC’s, nanatiling wala kahit isang kusing na inilaan ang gubyerno para sa capital outlay o paggawa ng bagong mga gusali at mga klasrum.

vuukle comment

ALLIANCE OF CONCERNED TEACHERS

FRANCE CASTRO

HIGHER EDUCATION

NATIONAL EXPENDITURE PROGRAM

PANGULONG NOYNOY AQUINO

PARA

PERSONAL SERVICES

SALARY STANDARDIZATION LAW

STATE U

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with