^

Bansa

Magbubuhos ng maruming tubig sa araw ng San Juan, aarestuhin!

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Aarestuhin ang sino mang magbubuhos ng maruming tubig sa mga motoristang mapapadaan sa bayan ng San Juan para sa selebrasyon ng kapistahan ni St. John the Baptist bukas (June 24).

Ayon kay San Juan City Mayor Guia Gomez, inatasan na niya ang lahat ng law enforcement agency sa lungsod partikular ang Philippine National Police at mga barangay official na dakpin at ikulong ang sino mang makikitang mambabasa ng maruming tubig.

Sinabi ng Alkalde, tuloy pa rin ang nakauga­liang basaan sa tuwing ipi­nagdiriwang ang fiesta ni San Juan Bautista, pero tiyakin lamang na malinis ang tubig na gagamitin na pambasa sa mga nakiki-pista at mga motoristang mapapadaan sa Lungsod.

Anang alkalde, ang tema ng pagdiriwang nila bukas ay “Makisaya, Masikayaw at Makibasa.”

vuukle comment

AARESTUHIN

ALKALDE

ANANG

AYON

LUNGSOD

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SAN JUAN

SAN JUAN BAUTISTA

SAN JUAN CITY MAYOR GUIA GOMEZ

ST. JOHN THE BAPTIST

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with