^

Bansa

Legal Assistance Funds ng OFWs hiling 'wag tapyasan

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Umapela si San Juan Rep. Joseph Victor Ejercito sa gobyerno na huwag tapyasan ng 50% ang Legal Assistance Fund (LAF) para sa mga overseas Filipino workers (OFW) sa buong mundo.

Paliwanag ng mambabatas, dapat irekonsidera ng pamahalaan na mayroon pang 227 OFW ang nakakulong sa China dahil sa mga kasong paglabag sa droga at 36 iba pa sa Gitnang Silangan ang nasa death row upang hindi na maulit pa ang nangyaring pagbitay sa 3 OFW noong miyerkules.

Giit ni Ejercito, nararapat lamang na bigyan ng gobyerno ng sapat na tulong ang mga Pinoy na nawawalan ng mga mahal sa buhay at upang makalaya na rin ang mga ito sa madilim nilang sitwasyon.

Ang pagbabawas umano sa 2011 National Budget ng Aquino administration ay isa sa pangunahing dahilan kung bakit ang serbisyo para sa OFW ngayon ay napaka limitado lamang.

Lumalabas sa computations ng Migrante International, mayroon lamang P7,000 ang inilaan sa bawat OFW simula ng tapyasin ang kabuuang budget ng LAF ngayong taon kayat papaanong ang 36 OFWs umano sa Gitnang Silangan  ay makakaya ang gastusin sa pagkuha ng kanilang mga abogado doon kung nagkakahalaga naman ito ng $10,000 kada kaso.

Ayon pa sa kongresista, nakakapagtaka umano na habang kinikilala natin ang mga OFW bilang mga Bagong Bayani ay gumagastos lamang ang gobyerno ng maliit na halaga para sa kanilang proteksyon at kapakanan habang sila ay nasa delikadong sitwasyon.

Kung gumagastos umano ang gobyerno ng bilyon pondo para sa AFP na lantad sa korupsyon at sa CCT project ng DSWD, mas higit umano na dapat bigyan ng magandang serbisyo ang mga OFW upang masuklian ang bilyon dolyar nilang kino-contribute sa ekonomiya ng bansa.

vuukle comment

AQUINO

BAGONG BAYANI

GITNANG SILANGAN

JOSEPH VICTOR EJERCITO

LEGAL ASSISTANCE FUND

MIGRANTE INTERNATIONAL

NATIONAL BUDGET

OFW

SAN JUAN REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with