^

Bansa

Palasyo hindi pabor sa nuke plant - Valte

- Nila Rudy Andal, Gemma Garcia at Butch Quejada -

MANILA, Philippines - Iginiit ng Palasyo na mas pabor itong maghanap ng alternatibong pagkukunan ng enerhiya kaysa gumamit ng nuclear energy kasunod ng naging pinsala sa nuclear power plant sa Japan kasunod ng matinding lindol at tsunami na kumitil sa buhay ng may 2,000 katao.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, mas mainam na pagtuunan ng pansin ang paghahanap ng alternative source ng energy kaysa isulong ang nuclear energy dahil na rin sa pinsalang sinapit ng nuclear power plant sa Japan bunga ng 9.0 magnitude na lindol noong Biyernes kasunod ng tsunami.

Pinangangambahan ngayon sa Fukushima ang posibleng nuclear radiation leak matapos sumabog ang 1 reactor sa nuclear power plant nito na posibleng magdulot naman ng nuclear contamination.

Wika pa ni Usec. Valte, puwede naming palakasin na lamang ang geothermal, natural gas, wind power, solar at hydro power kaysa isulong ang pagtatayo ng nuclear power plants bilang source ng energy ng bansa.

Ayon kay Valte, hindi maiiwasang gumamit ng ibang pagkukunan ng enerhiya dahil sa pagtataas sa presyo ng langis bunsod ng kaguluhan sa Middle East at North Africa.

Maging ang mga proponents sa pagbuhay ng Bataan Nuclear Power Plant ay nagdadalawang-isip na rin sa kanilang posisyon.

Samantala, iniatras naman ni dating Pangasinan Rep. Mark Cojuangco ang kanyang panukalang buhayin ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP).

Sinabi ni Cojuangco, inabisuhan na niya ang kanyang maybahay na si Rep. Carmen Cojuangco na magkaroon ng moratorium sa pagsusulong ng panukalang buhayin ang BNPP.

Pero nilinaw nito na mangangalap muna siya ng sapat na impormasyon upang makabuo ng matalinong desisyon kung tuluyang kakalimutan na ang kanyang advocacy na buhayin ang BNPP.

BATAAN NUCLEAR POWER PLANT

CARMEN COJUANGCO

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

MARK COJUANGCO

MIDDLE EAST

NORTH AFRICA

NUCLEAR

PANGASINAN REP

POWER

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with