^

Bansa

1 taon, 6 buwan kay Singson!

-

MANILA, Philippines - Hinatulan kahapon ng Hong Kong court ng isang taon at anim na bu­wang pagkabilanggo si Ilocos Sur Rep. Ronald Singson dahil sa kasong drug trafficking.

Sa desis­yon ni Judge Joseph Yao ng Wan Chai District­ Court, si Singson, 42-anyos­, ay napatuna­yang nag­kasala dahil sa pagpupuslit ng 6.67 gramong cocaine na may market value na mahigit $2,000 at dala­wang tab­leta ng Nitrazepam o Valium na na­katago sa kanyang bagahe at pantalon habang papasok sa Chek Lap Kok Interna­tional Airport sa Hong Kong noong Hulyo 11, 2010.

Mula sa inaasahang tatlo at kalahating taon na pagkakulong, bu­maba ito sa isa at kalahating taon matapos pa­­ni­wa­laan ni JudgeYao ang depensa ni Singson na pang-sarili lamang niyang gamit ang nasabing droga at hindi pambenta dahil kumukonsumo lamang siya ng 3 gramo ng cocaine kada araw matapos umamin na isa siyang user sa loob ng mara­ming taon.

Sinabi ni Yao na bi­na­baan din ang hatol kay Singson dahil sa magandang behavior o asal na ipinakita nito habang nasa Hong Kong at sa maraming natulungan sa Pilipinas.

Ibabawas naman sa nasabing hatol ang 40 araw na ibinuno ni Singson sa kulungan bago siya nakapagpiyansa para sa pansamantalang kala­yaan.

Ikinonsidera din ng hukom ang magandang katayuan ni Singson bilang isang negosyante at congressman kaya ma­­hirap paniwalaan na ibebenta niya ang droga na nakuha sa kanya para lamang kumita ng pera.

Bukod sa magulang ni Singson ay naroroon din sa HK ang nobyang si Lovi Poe nang hatulan siya ng korte kahapon ng alas-2:30 ng hapon.

Sinabi naman ni Ilocos Gov. Chavit Singson, mismong ang kanyang anak ang mag-aanunsiyo ng kanyang desisyon kung magbibitiw na ba ito bilang miyembro ng Kamara. (Ellen­ Fernando/Rudy Andal)

vuukle comment

CHAVIT SINGSON

CHEK LAP KOK INTERNA

HONG KONG

ILOCOS GOV

ILOCOS SUR REP

JUDGE JOSEPH YAO

LOVI POE

SHY

SINGSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with