^

Bansa

Acosta swak sa 3 graft

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines -  Tatlong kaso ng katiwalian ang isinampa sa tanggapan ng Ombudsman laban sa talunang kandidato sa pagka-senador sa nakaraang eleksiyon na si Nereus Acosta, kilalang kaalyado ni Pangulong Aquino sa Liberal Party.

Si Acosta, dating congressman ng Bukidnon at balitang itatalaga ni PNoy sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), ay kinasuhan ng paglabag sa Anti-Graft Practices Act (RA 3019) matapos ang masusing imbestigasyon ni Ma. Concepcion Billones ng Graft Investigation and Prosecution, na sinang-ayunan at nilagdaan ni Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Ang unang kaso ay nag-ugat sa pagpapagamit at transfer ng Solar Tunnel Dryer na pag-aari ng Municipality of Talakag, Bukidnon sa Bukidnon Integrated Network of Home Industries, Inc. (BINHI).

Dalawa sa nangungunang incorporators ng BINHI sina Juan C. Acosta at Ma. Nemia O. Bornidor, ama at tiya ni ex-Cong. Nereus. Ang P2,500,000 puhunang ipinambili sa Solar Tunnel Dryer ay galing sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng nasabing ex-solon. Testigo sa kasong ito sina COA auditors Carlito Matias at Dante Quiblat at mismong si Talakag Mayor Amado Noble at iba pa.

Ang pangalawang kaso ay umakusa kay Acosta sa paggawad at pag-release ng P2,500,000 sa BINHI na nagmula din sa PDAF. Sabit dito ang tiyahing si Bornidor.

Ang salapi ay ipinadaan umano sa munisipyo ng Talakag na ginawang conduit laban sa kalooban ni Mayor Noble. Testigo rito sina COA auditors Matias at Quiablat, Mayor Noble at ang Sangguninang Bayan ng Talakag at iba pa.

Ang pangatlong kaso ay nakipagsabwatan umano ang dating mambabatas kay Socorro Acosta, ex-Mayor Manolo Fortich ng Bukidnon at mismong ina ng akusado sa paggawad ng P5.5 million mula sa kanyang PDAF sa Bukidnon Vegetable Producers Cooperative, Inc.

Si ex-Cong. Acosta ay nakalalaya sa bisa ng piyansang P30,000 sa bawat kaso.

vuukle comment

ACOSTA

ANTI-GRAFT PRACTICES ACT

BORNIDOR

BUKIDNON

BUKIDNON VEGETABLE PRODUCERS COOPERATIVE

CARLITO MATIAS

CONCEPCION BILLONES

DANTE QUIBLAT

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

MAYOR NOBLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with