^

Bansa

MNLF vs MILF: 2 todas

- Ni Malu Cadelina Manar -

KIDAPAWAN CITY , Philippines   — Dalawang rebelde ang iniulat na nasawi habang dalawang iba pa ang nasugatan makaraang atakihin ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front ang kampo ng Moro National Liberation Front sa bahagi ng Sitio Snake Fish sa Barangay Nanga-an sa bayan ng Kabacan, North Cotabato kamakalawa ng umaga.

Ayon sa ulat, nilusob ng grupo nina MILF Kumander Ronnie Zamora at Gerry Genuine ng 110th Bangsamoro Is­lamic Armed Forces ang kampo ni MNLF Kumander Dima Ambel.

Nagawa pang maka­ganti ng putok ang mga MNLF forces pero dahil sa dami ng mga kaaway, nagapi sila at nakubkob ang kanilang kampo, ayon sa report.

Nagsilikas naman ang mga pamilya mula sa Barangay Nanga-an at mga kalapit barangay sa takot na madamay sa gulo ng magkalabang grupo.

Isa sa dalawang na­paslang si Edrafel Ali ng MNLF group habang sugatan naman sina Kawag Simbuangan, 45; at Akmad Buhisan, 34, kapwa sundalo ng MNLF Sebangan Ku­tawato Re­vo­lutionary Committee sa pamumuno ni Kumander Datu Dima Ambel.

Naganap ang pag-atake sa MNLF headquarters sa Kabacan dalawang buwan makaraang gawin ng Organization of Islamic Conference, Office of the Presidential Adviser on the Peace Process, at ng MNLF sa naturang erya ang tripartite review sa 1996 GRP-MNLF final peace accord.

Ang naturang pagpupulong ay dinaluhan mismo ni MNLF chairman at Cotabato City Vice Mayor Muslimin Sema.  

vuukle comment

AKMAD BUHISAN

ARMED FORCES

BANGSAMORO IS

BARANGAY NANGA

COTABATO CITY VICE MAYOR MUSLIMIN SEMA

EDRAFEL ALI

GERRY GENUINE

KABACAN

MNLF

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with