^

Bansa

Chacha di prayoridad ng Palasyo

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Iginiit ng Malaca­ñang na hindi prayoridad ng Aquino admi­nistration ang pagsu­sulong ng Charter Change (Chacha).

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na mas maraming bagay ang dapat pagtuunan ng administrasyon bago ang pagsususog sa Konstitusyon.

Sinabi pa ni Valte na wala silang nakikitang dahilan upang madaliin ang pagsusulong ng Chacha bagkus ay hihintayin na lamang nito ang mga developments sa Kongreso.

Sa kasalukuyan ay wala pang binubuong Charter Change Commission ang Pangulo gaya ng pangako nito noong eleksyon.

Hinamon naman ni Senator Francis “Chiz” Escudero ang mga mambabatas na pilit na bumubuhay sa Chacha na tukuyin at linawin  kung ano ang mga probisyon sa Konstitusyon ang nais nilang maamiyendahan.

Igniit ni Escudero na mahalagang maliwa­na­gan kung ano ang mga probisyon sa 1987 Cons­titution ang nais na bagu­hin ng mga nagsusulong ng Cha-cha.

Matutukoy aniyang kung kinakailangan at makabubuti para sa ating bayan ang Cha-cha kung ihahayag na kaagad kung ano ang aamiyendahan dito.

Sinabi ni Escudero na kung magiging katanggap-tanggap ang mga nais na amiyendahan sa Konstisyon ay maaring isagawa ang Chacha  sa loob ng  unang dalawang taon ng Aquino administrasyon.

Naniniwala si Escu­dero na kung kinakailangan talagang amiyendahan ang Konstitusyon dapat itong isagawa sa mga unang taon ng kasalukuyang administrasyon upang hindi  pagdudahan at makulayan ng  pulitika.

Una rito sinabi  ni Congressman Ben Evardone na ngayon ang tamang panahon para simulan na ang debate  sa  Cha-cha.

vuukle comment

AQUINO

CHACHA

CHARTER CHANGE

CHARTER CHANGE COMMISSION

CONGRESSMAN BEN EVARDONE

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

KONSTITUSYON

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with