^

Bansa

Toll hike sa SLEX tuloy na sa Enero 1

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Ipinahayag ng South Luzon Tollway Corporation (STLC) na epektibo sa Enero 1, 2011 ganap na alas-6 ng umaga ay doble na ang ibabayad ng mga motoristang dadaan sa South Luzon Expressway.

Ayon kay Alma Tuazon, spokesperson ng STLC sa ginanap na lingguhang forum sa Balitaan sa Tina­payan, kasalukuyang bumabayad ang motorista ng P87 para sa toll fee mula Makati-Alabang hanggang sa Calamba at karagdagang P22 hanggang sa Sto.Tomas, Batangas.

Nabatid kay Tuazon na sa P87, P65 ang kinoko­lekta ng Skyway Corp. at P22 lamang ang napupunta sa kanila na katumbas ng P0.76 sentimos kada kilometro.

Bagama’t P3.02 kada kilometro ang inapruba­hang increase ng Toll Regulatory Board (TRB), P2.68 kada kilometro lamang ang ipatutupad ng SLTC.

Gayundin, Disyembre 31 ng alas-10 ng gabi ang inaprubahang epektibong increase ng TRB, pero ginawa nila itong Enero 1 ng alas-6 ng umaga.

Katumbas umano ito ng P97 hanggang Alabang-Sto.Tomas, Batangas na may kabuuang mahigit 36 kilometrong haba ng kalsada.

Naging P162 ang kabu­uang bayarin dahil kasama ang P65 na toll fee na kinokolekta ng Skyway.

Sinabi ni Tuazon na ginagamit sa ngayon ng mga motorista ng libre ang binuksang extension sa SLEX diretsong tagos mula sa Sto.Tomas.

Binigyan-diin ni Tuazon na ipatutupad ang P2.68 increase kada kilometro hanggang sa makarekober sa kanilang ginastos sa rehabilitasyon at konstruksiyon ng mga kalsada sa SLEX ang SLTC.

vuukle comment

ALMA TUAZON

BATANGAS

ENERO

SKYWAY CORP

SOUTH LUZON EXPRESSWAY

SOUTH LUZON TOLLWAY CORPORATION

STO

TOLL REGULATORY BOARD

TOMAS

TUAZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with