^

Bansa

San Juan City Hall nilusob ng pamilyang squatters

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines –  Nilusob ng mahigit sa 50 pamilyang squatters kasama ang mga militan­teng grupo ang San Juan City Hall upang iprotesta ang nakatakdang demolisyon sa kanilang lugar sa darating na Enero ng susunod na taon.

Naging tensiyonado naman ang kilos-protesta ng higit sa 100 katao na naninirahan sa Brgy. Corazon de Jesus ng naturang lungsod makaraang magkatulakan ang mga raliyista at miyembro ng pulisya dakong alas-10 kahapon ng umaga.

Isang lalaki na bineberepika pa ng pulisya ang inaresto ng San Juan police makaraang magtangkang mang-agaw umano ng baril ng isa sa pulis na nagbabarikada laban sa mga raliyista.

Ayon kay Grace Cortez, hepe ng San Juan public information office, matagal nang naka-iskedyul ang demolisyon kung saan ibinigay lamang sa mga residente ang “notice to vacate” kamakalawa.  Tinukoy nito na nasa 65 pamilya lamang ang apektado na nagtayo ng mga bahay sa paligid ng Pinaglabanan Shrine na itinuturing na ngayon na “national shrine”.

Tuluy-tuloy naman umano ang dayalogo sa mga re­­sidente. Nag-alok na rin ng pabahay ang pamahalaang lokal sa Calauang, Laguna na babayaran lamang nila ng P300 kada buwan habang magbibigay naman ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng “start-up money” para sa pag-uumpisa ng buhay nila sa bagong bahay.

Ipinaliwanag naman ni Cortez na noon pang panahon ni dating Pangulong Joseph Estrada pinaaalis ang mga residente sa paligid ng Pinaglabanan Shrine kung saan marami na sa mga orihinal na pamilya ang lumipat sa Taytay Resettlement Area o mas kilala bilang Erap City sa Taytay, Rizal.

vuukle comment

AYON

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

ERAP CITY

GRACE CORTEZ

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PINAGLABANAN SHRINE

SAN JUAN

SAN JUAN CITY HALL

TAYTAY RESETTLEMENT AREA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with