^

Bansa

Namfrel nagpa-survey para sa bakanteng puwesto sa Comelec

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines –  Naglunsad ng isang online survey ang National Movement for Free Elections o NAMFREL upang mabatid ang pulso ng taumbayan ukol sa mga bakanteng posisyon sa Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay Paolo Maligaya, senior operations associate ng NAMFREL, layunin ng kanilang hakbang na magkaroon sila ng ideya kung sinu-sino ang nais ng mga mamamayan na maupo sa iba’t ibang mahahalagang pwesto sa poll body tulad ng pagka-chairman at pagka-commissioner.

Dahil na rin sa pagi­ging aktibo ng kanilang online-poll, sinabi ni Maligaya na pinag-aaralan nila kung isusumite nila ang magiging resulta ng informal survey sa Malacañang bilang rekomendasyon.

Sa mga nais naman na iboto ang kanilang napupusuang perso­na­lidad para sa mga po­sisyon sa Comelec, pwedeng maglog-on sa www.namfrel.com.ph. Nakatakda namang isara ang nasabing on-line survey sa pagpasok ng bagong taon.

Matatandaang maagang nagbitiw sa pwesto si Comelec chairman Jose Melo habang magreretiro naman sa Pebrero ng susunod na taon sina Commissioners Gregorio Larrazabal at Nicodemo Ferrer.

vuukle comment

AYON

COMELEC

COMMISSIONERS GREGORIO LARRAZABAL

DAHIL

FREE ELECTIONS

JOSE MELO

MALACA

NATIONAL MOVEMENT

NICODEMO FERRER

PAOLO MALIGAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with