^

Bansa

Regular working day ngayon - P-Noy

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Pinanindigan ni Pa­ngulong Benigno Aquino III na hindi niya idedeklara na special non-working holiday ang Nov. 2 (nga­yon).

Sinabi ni Pangulong Aquino sa Palace repor­ters sa pagdating nito mula sa Vietnam kamakalawa ng gabi sa NAIA terminal 2, iniisip niya ang kapakanan ng mga daily wage earners.

Aniya, idineklara na niyang special non-working holiday ang Nov. 1 kaya hindi na kailangang ideklara pa muling holiday ang Nov. 2.

Wika pa ng Pangulo, may mahabang weekend na ang Filipinos kung saan ay puwede nilang dalawin ang kanilang pumanaw na mahal sa buhay mula Sabado, Linggo at Lunes kaya hindi na kailangang ideklara na special holiday ngayon (Nov. 2).

Nagdesisyon naman ang Pangulo na dalawin ang kanyang magulang na sina dating Pangulong Cory Aquino at Sen. Ninoy Aquino Jr. sa Manila Memorial Park sa Parañaque ngayon (Nov. 2).

vuukle comment

ANIYA

BENIGNO AQUINO

LINGGO

MANILA MEMORIAL PARK

NAGDESISYON

NINOY AQUINO JR.

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PANGULONG CORY AQUINO

PINANINDIGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with