Taal nag-alboroto na naman
MANILA, Philippines - Muli na namang nag-alburoto ang bulkang Taal sa Batangas makaraang makapagtala ng anim na volcanic earthquake sa paligid nito sa nakalipas na magdamag.
Sinabi ng Phivolcs na nananatiling nakataas sa alert level 1 ang paligid ng Taal kayat mahigpit na ipinagbabawal ang paglapit ng sinuman malapit sa bunganga ng bulkan.
Pinaalalahanan din ang publiko sa banta ng steam explosion ng bulkan at ang mataas na konsentrasyon ng toxic gases ng bulkan.
Nagbabala din ang Phivolcs na ang bulkang Taal ay isang Permanent Danger Zone at mapanganib para tayuan ng kabahayan.
Noong nakalipas na linggo aabot sa 109 volcanic earthquakes ang naitala.
Samantala, sa bulkang Mayon sa Bicol ay nakapagtala ito ng apat na volcanic quakes sa nakalipas na magdamag.
Nakataas pa rin ang alert level 1 sa paligid ng Mayon at mahigpit na ipinagbabawal ang paglapit sa 6 kilometer radius Permanent Danger Zone sa paligid nito.
- Latest
- Trending