^

Bansa

Maynila, QC at CAMANAVA 'hotspots'

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Bagamat hindi pa itinuturing na  ‘election hotspots’, binabantayan na ng Commission on Elections (Comelec) ang ilang lugar na sakop ng Quezon City, Maynila at Camanava areas sa posibleng idulot na kaguluhan kaugnay sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Sinabi ni Comelec National Capital Region (NCR) Director Atty. Michael Dioneda na nasa watchlist ng Comelec ang mga barangay Batasan at Manggahan sa Quezon City at ilang barangay sa Maynila, Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela.

Gayunman, sinabi ni Dioneda na hindi pa naman masasabing hotspots o areas of immediate concern ang mga lugar kundi may potensyal pa lang na magkaroon ng kaguluhan kapag nagsimula na ang kampanya. Mas posible umanong magkaroon ng kaguluhan sa mga lugar na matao tulad ng mga nabanggit dahil ang magkakatunggali sa pulitika ay magkakapitbahay o residente ng iisang lugar.

Ginagawa aniya nila ang assessment para ma­la­man kung saan sila magbubuhos nang husto ng pwersa ng Philippine National Police (PNP) para sa police visibility upang maiwasan ang kaguluhan.

vuukle comment

BAGAMAT

BATASAN

COMELEC

COMELEC NATIONAL CAPITAL REGION

DIRECTOR ATTY

MAYNILA

MICHAEL DIONEDA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

QUEZON CITY

SANGGUNIANG KABATAAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with