Incest relation gagawing krimen
MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na maging krimen ang pakikipag-relasyon sa kamag-anak na pumapasok sa ‘incestuous sexual relation’.
Inihain ni Sen. Santiago ang Senate bill 1500 o “Anti-Incest Act” na naglalayong gawing krimen ang pakikipagrelasyon sa kamag-anak.
Nakapaloob pa sa bill ni Santiago na dapat patawan ng parusang kulong na prison correccional ang mapapatunayang magkakasala dito.
Ayon kay Santiago, maging sa Family Code ay ipinagbabawal ang mga incestuous marriages pero sa kasalukuyan wala pang batas na magpaparusa sa mga ito.
“There is no law which penalizes incestuous relations between consenting parties eighteen (18) year of age and above. This bill criminalizes such sexual relation because they are contrary to public policy and public morals,” sabi ni Santiago.
Wika pa ng mambabatas, sagot ang kaniyang panukala sa ulat na dumarami ang mga incest statistics sa mga pamilya ng contract workers.
Hindi umano dapat magkaroon ng sekswal na relasyon ang mga magkapatid; anak at magulang; step-parent at step-child; collateral blood relatives, kahit na legitimate o illegitimate hanggang fourth civil degree; parents-in-law at children-in-law; surviving spouse ng adopting parent at adopted child; surviving spouse ng adopted child at adopter; adopted child at legitimate child ng adopter.
- Latest
- Trending





















