^

Bansa

Imelda, naka-beso-beso na naman ni Noynoy

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines -  Muling naka-beso-beso ni Pangulong Noynoy Aquino si dating First Lady Imelda Marcos nang magkita ang dalawa sa pagpupulong ng  Liberal Party sa Edsa Shangri-La Hotel kamakalawa ng gabi.

Bagaman at hindi nasaksihan ng media ang beso-beso ng dalawa, mismong si Pangulong Aquino ang umamin nito nang dumalo siya sa isang dinner na ibinigay ng isang supporter niya sa mga media na nag-cover ng kaniyang kampanya.

Naunang nagtungo si Aquino sa Shangri-La Hotel sa Shaw Boulevard kung saan dumalo sa okasyon si Imelda bago ito nagtungo sa dinner ng embedded media.

“Nagbeso-beso na naman kami (Imelda),” kuwento ng Pangulo na hinaplos pa ang kaniyang pisngi.

Naging laman ng mga pahayagan ang unang pagbe-beso-beso ng Pangulo at ni Imelda sa ika-33 kaarawan ni Makati City Mayor Jejomar Erwin “Junjun” Binay.

Ang dating Unang Ginang umano ang lumapit sa Pangulo para mag-beso-beso.

Matatandaan na ang pagkamatay ni dating Senator Benigno “Ninoy” Aquino Jr., tatay ng Pangulo ang naging daan upang mapatalsik sa puwesto ang asawa ni Imelda na si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.

Nanalong kinatawan ng Ilocos Norte si Imelda samantalang ang anak naman niyang si Bongbong ay isa na ngayong senador.

vuukle comment

AQUINO JR.

BESO

EDSA SHANGRI-LA HOTEL

FIRST LADY IMELDA MARCOS

ILOCOS NORTE

IMELDA

LIBERAL PARTY

MAKATI CITY MAYOR JEJOMAR ERWIN

PANGULO

PANGULONG AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with