^

Bansa

Undersecretaries, consultants sa DepEd umaapaw

-

MANILA, Philippines - Nanawagan sa bagong kalihim ng Department of Education (DepEd) ang unyon ng mga empleyado ng ahensya na tanggalin na ang mga sobra-sobrang consultants at co-terminus na empleyado na umuubos umano sa “savings” ng ahensya.

Sinabi ni Atty. Domingo Alidon, tagapangulo ng DepEd-National Employees Union, na nararapat na aksyunan ni Secretary Armin Luistro ang napakalaking bilang ng mga consultants at mga opisina na nadodoble lamang ang trabaho sa mga dibisyon ng ahensya. Ito umano ang dahilan ng pagkaubos ng “savings” ng DepEd na nakalaan sana sa benepisyo ng mga regular na empleyado tuwing sasapit ang Disyembre.

Tinawag nito na “excess baggage” ang sobra-sobrang mga undersecretaries at binuong mga opisina sa ahensya. Sa ilalim ng batas, apat lamang ang nararapat na bilang ng undersecretaries sa isang ahensya ngunit anim ang nasa DepEd. 

Hindi naman itinanggi at hindi rin inamin ni DepEd Public Information chief, Kenneth Tirado ang ulat na higit sa 700 ang consultants na nasa central office kumpara sa 900 regular na empleyado nito. Ngunit sinabi ni Tirado na hindi lahat ng suweldo ng mga consultants ay buhat sa budget ng DepEd ngunit karamihan ay buhat sa “foreign grants” ng mga espesyal na proyekto na pinopondohan ng mga ito. (Danilo Garcia/ Nea Miriz­ma Gaspar, trainee)

vuukle comment

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF EDUCATION

DEPED

DOMINGO ALIDON

KENNETH TIRADO

NATIONAL EMPLOYEES UNION

NEA MIRIZ

PUBLIC INFORMATION

SECRETARY ARMIN LUISTRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with