^

Bansa

Pinoy todas sa suicide bomber

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Isang Pilipino ang pinaniniwalaang kabilang sa mga namatay nang salakayin nitong Biyernes ng mga rebeldeng Taliban ang isang compound ng United States Agency for International Aid sa Afghanistan.

Sinasabi sa ulat na lima katao ang namatay matapos sugurin ng mga suicide bomber ang isang USAID compound sa hilagang Afghanistan.

Ayon sa ulat, nagsi­mula ang atake bandang alas-3:00 ng madaling-araw nang pasabugan at butasan ng isang suicide car bomber ang pader ng compound na kinatatayuan ng Development Alternatives Inc., isang Washington D.C.-based na international consulting company na konektado sa USAID.

Tinatayang limang suicide bomber ang umatake sa gusali na ikinasawi at ikinasugat ng mga guwardiya at ibang tao sa loob.

Napatay naman sa pakikipagbarilan sa mga security forces ang mga rebelde.

Magkakataliwas ang mga ulat hinggil sa bilang ng mga nasawi pero sinasabi ng Cable News Network, Radio Free Europe at Los Angeles Times na isa sa mga namatay na dayuhan ay isang Pilipino.

Nakikipag-ugnayan pa ang Department of Foreign Affairs sa embahada ng Pilipinas sa Islamabad para kumpirmahin ang mga ulat.

CABLE NEWS NETWORK

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DEVELOPMENT ALTERNATIVES INC

INTERNATIONAL AID

ISANG PILIPINO

LOS ANGELES TIMES

RADIO FREE EUROPE

UNITED STATES AGENCY

WASHINGTON D

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with