Day care center ng DFA binuksan

MANILA, Philippines - Binuksan na ng Department of Foreign Affairs ang itinayong DFA Day Care Center na magbe-benepisyo sa daan-daang empleyado ng kagawaran at kani-kanilang mga anak.

Ayon sa DFA, pormal na pinasinayaan ang DFA Day Care Center noong Hunyo 3 kasabay ng pag-unveil ng dala­wang marker sa labas ng center na pina­ngunahan ni Foreign Affairs Sec. Alberto Ro­mulo at Consul Amelia R. Ablaza, Consul ng Guatemala at Dean ng Consular Corps ng Pilipinas.

Sa isinagawang ribbon-cutting ceremony ay sinaksihan at dinalu­han ng mga opisyales ng International­ Bazaar Foundation, Inc. (IBF); Department of Foreign Affairs Ladies Foundation (DFALF); at ASEAN Ladies Foundation (ALF) na siyang nag­plano at nag­ sulong sa proyekto sa pamumuno ni Rosie Lovely T. Romulo at mga ranking officials ng DFA, guests mula sa Consular Corps of the Philippines, at Mesdames sa ASEAN embassies.

Ginawaran naman ng plaques of appreciation ni Consul Ablaza ang mga miyembro ng Consular Corps na su­muporta sa relokasyon at pagpapala­wak ng proyekto sa bagong DFA Day Care Center.

Ang center ay ka­salu­kuyan nang may 15 mga batang mag-aaral mula tatlo hang­gang limang taon ang edad at ina­asahan na mada­dag­dagan pa ito.

Ipinasa naman ang management o pama­mahala sa bagong day care center sa DFA-Office of Personnel and Management Services.

Show comments